i feel miserable.
may nabasa akong post, na hindi ko maalala kung saan ko nakita. baka dun sa mga blogs na nabubuklat ko or sa status nung babaeng crush ko.
sabi kasi sa post na yun, bakit daw marami sa mga nagpopost e tungkol sa lungkot sa pagibig. syempre kung iisipin ng iba, bakit naman ako nagpopost ako na masaya kami.
pero sa intindi ko hindi naman yun ang point nya, kumbaga, ang LOVE isang bagay na galing sa Diyos pero bakit nga ba nagmumukha itong pangit dahil sa mga malulungkot na pangyayaring yon?
anyways. hindi yan ang ibblog ko, at d ko alam kung saan aayon ang post na to pero mahal na mahal ko yung boyfriend ko. T.T
magulo kami ngayon, pero hindi yung gulo na tipong ihihiwalay na dahil hindi ko yun hahayaan at nanaisin na mangyari.
tipong sagutan sa CHAT. di ko alam kung qualified ba yung away, or ako lang lagi nangaaway. tsk. aminado naman ako, yun lang ata alam kong gawin sa kanya.
sobrang guilty ako, dahil nasasaktan ko siya.
pag galit ako, galit na galit ako at nagiging sarcastic ako sa mga salita ko walang pakelam sa pagkakataong yun pero after, lagi kong binabalikan lahat ng paguusap.
hindi ko alam kung ilang iyak pa ang katumbas ng katangahan ko sa buhay. sobra ko talaga yung nasasaktan sa mga nasasabi ko lalo na’t galit ako. ang masama pa dun kahit sa biro lang para sakin, nasasaktan ko pa din sya. yung tipong tinatanong niya na sa sarili nya kung anung dapat maramdamn niya, kung anung dapat gawin nya pa, na parang wala na siyang ginawang tama para sa akin.
grabe, wala na nga ata akong ibang ipinaramdam sa kanya kundi yun. nakakaawa lang ata siya sa akin e. T.T
kahit ako di ko na din alam ang gagawin ko.
nagbigay ako ng sched namin sa kanya at ang lumabas, lumalayo daw ako. hhhaaaaaayyyy.
anung klaseng misunderstanding kaya to.? anu bang gagawin ko?
mahal na mahal ko siya e pero di naman niya deserve ang mga pinaggagagawa ko sa kanya.
lagi kasi akong nagdedemand ng time. kahit di ko vocally sabihin sa isip ko yun yung palagi kong iniisip. yung nakikita ko siya, kahit minsan sa isang araw, yung maririnig ko yung boses nya. kahit sabi nya parang tanga nga kaming nakahang yung phone ng walang naimik. alam mo ba yung pakiramdam na naririnig mo siyang huminga kahit sa kabilang linya? parang tanga ako ano. pero minsan pag walang masabi, nagagalit pa ako. ewan ko ba. lagi kasing meron sa isip ko na, ang mga nagmamahalan hindi yan nauubusan ng paguusapan. nabasa ko lang din to somewhere. juskeee. yung ewan ko ba! na parang sa tingin ko nasasakal siya dito, natatamad siya. at kagaya nga ng sabi niya baka magkasawaan. hhaaaays.
okay. makatulog na lang muna kaya? di ko na alam e, kahit yung ipopost ko magulo, makapaglabas lang din talaga, :(
haaays. mahal na mahal ko siya pero lagi ko na lang siyang sinasaktan, siguro sinasakal o kung anuman.
ayokong mawala siya sa kin. hindi naman diga? puuuutttiiik.
ang gulo gulo gulo gulo.
Lord, anu na po? iloveyou po.



